MARINO FRANCISCO
Landas na Wasto "Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon". (2023 Awit ng Pagtatapos)
If you like this song pls contact me at https://www.facebook.com/musiceduph?mibextid=ZbWKwL
Landas na Wasto
“Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon”
(Musika at titik ni: Marino Saniel Francisco)
(A)
Ang musmos kong diwa noo’y nagtatanong
Kung paano ang mamulat sa hinaharap ngayon
Ibat ibang kaalaman na napapanahon
Hinahanap ngunit walang tugon
(B)
Isang tinig ay nagwika sa ‘ki’y nag-anyaya
Sa silid-aralan halika at matutong bumasa
Lahat ng ‘yong katanungan ngayo’y masasagot mo na
Basta’t magsikap ka dunong matatamasa
(Koro1)
Sa tulong at gabay nitong dakilang guro
Makabagong kaalaman kanyang ‘tinuro
Hinubog, pinanday isip at puso
Inakay sa landas na wasto
(Tulay)
Kaya ngayo’y nagpapasalamat at diwa ko’y namulat
Matatag na edukasyon hinubog na sapat
(Koro2)
Sa tulong at gabay nitong dakilang guro
Makabagong kaalaman kanyang ‘tinuro
Hinubog, pinanday isip at puso
Inakay sa landas na wasto
(Koro3)
Sa tulong at gabay nitong dakilang guro
Makabagong kaalaman kanyang ‘tinuro
Hinubog, pinanday isip at puso
Inakay sa landas na wasto
(Katapusan)
Inakay sa landas na wasto